-- Advertisements --

Umaasa ang Estados Unidos na makakatrabaho rin nila ng maayos ang bagong susunod na presidente ng Pilipinas.

Ginawa ni US State Department spokesman Ned Price ang pahayag kasunod sa isinagawang halalan sa Pilipinas.

Ayon kay Price kung sakaling pormal ng maproklama si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay saka naman makikipag-ugnayan sila sa bagong pamahalaan.

Kabilang aniya sa kanila layunin ay mapag-ibayo pa ang alyansa ng Pilipinas at Amerika na itinuturing nilang “special partnership.”

Inamin din ng tagapagsalita ng US State Department na nagsagawa rin sila ng monitoring sa halalan Pilipinas at ito naman daw ay sumunod sa international standard.

Samantala, patuloy rin namang isusulong nila ang promosyon ng paggalang sa karapatang pantao at rule of law bilang bahagi nang pagpapatibay sa bilateral relations ng US sa Pilipinas..

“We’re monitoring the election results and we look forward to renewing our special partnership and to working with the next administration on key human rights and regional priorities,” ani Price press briefing. “The counting is still underway. It is not for us to declare a winner. We’ll wait for the Philippines election authorities to do that. We look forward to working with the president-elect on the shared values and the shared interests that have united our countries across generations.”