-- Advertisements --

Nagbabala ang US na papatawan nila ng sanctions ang China kapag itinuloy nilang ipatupad ang national security law sa Hong Kong.

Sinabi ni White House National Security Adviser Robert O’ Brien, na ang nasabing batas ay malinaw na nais ng China na kontrolin ang Hong Kong.

Sakaling ipagpilitan ng China ang kanilang batas ay hindi magdadalawang isip ang US na patawan ng economic sanctions ang China.

Ang nasabing panukalang batas aniya ay nakakasama sa ekonomiya ng Hong Kong kaya dapat na hindi na ito ipatupad.

Magugunitang maraming mga residente ng Hong Kong ang nagsagawa ng kilos protesta mula ng ipasa ng China ang nasabing batas.