Nakahanda ang Amerika na magbigay ng tulong para sa mga Pilipinong apektado ng pananalasa ng nagdaang Super Typhoon Carina.
Ginawa ni US State Department Secretary Antony Blinken ang pagtitiyak matapos ang kanilang pag-uusap sa phone ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung saan tinalakay ng 2 ang nalalapit na 2+2 Ministerial Dialogue kung makakasama dito sina Defense Secretary Lloyd Austin at National Defense Secretary Gilberto Teodoro na idaraos sa Maynila.
Sa readout mula sa US State Department, nagpaabot din si Secretary Blinken ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawi gayundin sa mga na-displace matapos ang pananalasa ng bagyo at habagat.
Samantala, maliban sa US, nakahanda din ang iba pang mga bansa na magbigay ng tulong sa PH kabilang na ang China, Japan, Israel, Canada, Romania, Germany, UK at Australia kasabay ng pagpapaabot ng kani-kanilang Ambassador ng mensahe ng pakikisimpatiya sa mga apektadong mamamayan ng PH.