-- Advertisements --
Handang tulungan ng US ang Pilipinas sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na hinihintay lamang ng US ang tawag mula sa gobyerno ng Pilipinas bago sila ay tuluyang gumalaw at tuluyang mapaalis ang mga barkong pangisda ng China sa Julian Felipe Reef.
Walang tigil aniya ang pakikipag-ugnayan ng US Navy sa Philippine Navy maging ang Pentagon at ang Armed Forces of the Philippines.
Magugunitang tahasang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tanging paraan para maangking ng bansa ang West Philippine Sea ay ang pagdeklara ng giyera sa China subalit hindi ito gagawin ng Pilipinas.