Hindi na raw muna mangingialam ang Estados Unidos sa Hilagang bahagi ng Syria matapos ianunsyo ng Turkey ang pagpapadala nito ng dagdag pwersa militar.
Nais daw kasi ng Turkey na ilayo ang umano’y terorista na Kurdish militiamen sa naturang bansa.
Ayon sa White House, Turkey na raw ang responsable sa lahat ng Islamic State group prisoners sa lugar.
Noong Enero nang magbanta si US President Donald Trump ang posibilidad ng pagkasira ng ekonomiya sa Turkey sa oras na atakihin ang Kurdish forces.
Kasunod ito ng plano na pag-pullout ng US military sa Syria.
Dagdag pa ng White House, hindi na raw susuportahan o mangingialam ang United States Armed Forces sa kahit anong operasyon.
Sinuportahan naman ang desisyon na ito ng US ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Aniya, napag-usapan daw nila ni Trump na magtayo ng safe zone sa Hilagang-Silangang bahagi ng Syria.