-- Advertisements --
Ipinaliwanag sa US Congress ni Dr. Anthony Fauci ang director of the National Institute of Allergy and Infectious Disease kung bakit naging ganun na lamang ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease sa US.
Sa kaniyang pagsasalita sa congressional hearing, sinabi nito na nagsara lamang ng 50% ang US kumpara sa Europe na isinara ang kanilang bansa ng hanggang 98%.
Dagdag pa nito na may ilang estado kasi na mahigpit na sumunod sa health protocols habang marami naman ang hindi sumunod kaya naging ganun na lamang ang pagtaas ng kaso.
Magugunitang pumalo na sa mahigit 4.5 million ang kaso ng coronavirus sa US habang mayroong mahigit 150,000 na ang nasawi matapos madapuan ng COVID-19.