-- Advertisements --

Nanawagan si US Secretary of Defence Pete Hegseth sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) na dagdagan ang kanilang kontribusyon.

May kaugnayan ito sa pagtulong ng NATO sa mga bansang nahahahrap sa kaguluhan gaya sa Ukraine.

Iginiit nito na mayroong malaking papel ang NATO at mga European members nito para sa pagpapalaganap ng kapayapaan.

Nakipagpulong ang US Defense Secretary sa NATO isang araw matapos na kausapin sa telepono ni US President Donald Trump sina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky para tuluyang matapos na ang kaguluhan.