Bigo ang plano ng US Justice Department na harangin ang pagpapalaya sa Iranian oil tanker na hinuli sa Gibraltar noong nakaraang buwan.
Ito ay matapos ipag-utos ng isang British judge ang tuluyang pagpapalaya sa Grace 1 oil tanker.
Dahil sa desisyong ito ng US ay mas lalong lumalim ang matagal nang diplomatic dispute sa pagitan ng Tehran at Washington.
Noong Hulyo nang dakpin ng British Royal Navy ang nasabing Iranian oil tanker sa karagatan ng Gibraltar. Hinihinala ng mga otoridad na nilabag nito ang ipinataw na sanction ng European Union sa mga oil shipments na patungong Syria.
Ang naging pagdakip sa barko ay nagbunsod ng takot sa posibleng maging problema sa Persian Gulf kung saan inaangkin ng Iran ang control sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Gibraltar’s Chief Minister Fabian Picardo, nakatanggap ito ng kasulatan kung saan nangako umano ang Iran na hindi na muling maglalayag ang kanilang barko sa destinasyon na ipinagbabawal ng EU sanctions.
May dalang 1.2 million barrels ng krudo ang Grace 1 oil tanker.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung tuluyan na ngang nakaalis ng Gibraltar ang nasabing barko.