-- Advertisements --

Umaasa umano ang Estados Unidos na muli itong makapaglulunsad ng trade talks kasama ang China matapos ang pagpupulong na isinagawa sa Japan sa pagitan nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping

Una rito ay naglabas ng babala si Trump na magpapataw ito ng panibagong mas mataas na taripa sa bilyon-bilyong produkto ng China na iniaangkat sa Estados Unidos tulad ng cellphones, computers at mga damit.

Sa kabila nang pagiging bukas ng U.S sa ikalawang trade talks ng dalawang panig, nilinaw ng nasabing bansa na hindi umano nila tatanggapin ang kahit anong kondisyon na maaaring ilatag ng China patungkol sa usapin ng mataas na taripa sa kanilang mga produkto.

Ayon naman sa mga eksperto, masyado raw mapaglaro ang urong-sulong na set up sa muling pagpupulong ng dalawang pinuno sa G20 summit na gaganapin sa Osaka, Japan.

Maaari naman daw abutin ng ilang buwan o taon upang muling maulit ang pagpupulong nina Trump at Kim.