-- Advertisements --

Hindi nakikipag-unahan ang US sa anumang bansa sa paggawa ng bakuna sa novel coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay United States Secretary of Health and Human Services Alex Azar, na ang mahalaga ay matiyak ang kaligtasan at ang pagiging epektibo ng mga nagagawang bakuna.

Nararapat rin na magkaroon ng transparent data ang mga bakuna para malaman na hindi ito magdudulot ng sakuna sa mga pasyente.

Magugunitang isa ang US ang duda sa bakunang naimbento ng Russia dahil sa hindi sila transparent sa data.