Isa ang usapin patungkol sa China ang tinalakay sa katatapos lamang na pagpupulong ni US President Donald Trump at Japanese Prime Minister Abe Shinzo.
Inamin ni Trump na posibleng magkaroon ng trade deal sa pagitan ng dalawang bansa ngunit maaari raw na matagalan ito.
“We’re not ready to make a deal. I think we will have a deal with China sometime into the future,” saad ng pangulo.
Gayunman, suportado raw si Trump ng mga magsasaka sa kanilang bansa sa kabila ng desisyon nito na muling taasan ang taripa ng mga produkto ng China na iniaangkat sa US.
Naniniwala rin daw si Trump na hindi kakayanin ng China na bayaran ang mga taripang ito.
Dahil doon ay malaki umano ang tsansa na sumuko ang China at pumayag sa kahit anong trade deal na ilalatag ni Trump.