-- Advertisements --
Hindi naman sang-ayon ang White House na dapat ang Hamas ang siyang mamuno sa Gaza.
Sinabi ni State Department spokesman Mike Miller na kapag ipinatupad na ang ceasefire deal ay marapat na may ibang otordad ang mamuno sa Gaza at hindi ito ang Hamas.
Naniniwala kasi ang US na ang kapasidad ng Hamas military ay humina na dahil sa giyera kahit na nananatiling aktibo ang kanilang puwersa dahil sa kumpleto pa rin ang ka nilang political at military leaders.
Magugunitang inilatag na ni US President Joe Biden ang bagong ceasefire kung saan umaasa ito na papayag ang magkabilang panig.