-- Advertisements --
Hindi sumama ang US sa panawagan ng maraming bansa na pagbawalan ang pagkalat ng online terrorism.
Kasunod ito ng nangyaring pamamaril sa simbahan sa Christchurch, New Zealand na naka-live stream pa sa Facebook.
Ayon sa White House, suportado nila ang panawagan ng Christchurch na higpitan ang mga laman ng social media.
Ang hindi lamang nila sinang-ayunan ay ang pag-protekta ng freedom of speech.
Nauna rito ay nagkasama sina New Zealand Prime Minister Jacinda Arden at French President Emmanuel Macron na gumawa ng hakbang laban sa mga social media na basta naglalabas ng mga krimen.