-- Advertisements --

Hindi pa rin titigil ang US na magpapalipad ng kanilang drone sa Black Sea.

Ito ay kasunod nangyaring pagpapabagsak ng Russian fighter jet sa isa nilang drone.

Ayon kay Pentagon chief Lloyd Austin, na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagpapalipad ng drone bilang bahagi ng pagbabantay sa international waters.

Naniniwala ito na nakuha na ng Russia ng ilang parte ng bumagsak na drone subalit paglilinaw nito na kanilang binura na ang mga laman nitong sensitibong impormasyon.

Magugunitang inilabas na ng US ang video ng pagpapagbagsak ng Russian Su-27 fighter jet sa kanilang MQ-9 Reaper drone.

Mariing itinanggi naman ng Russia na kanilang sinadya ang nasabing insidente.