-- Advertisements --
Mahigpit ang ginagawang ugnayan ng US sa Israel matapos ang pagkasawi ng mahigit 40 katao sa airstrike ng Israel sa isang paaralan sa central Gaza.
Ayon kay State Department spokesperson Matthew Miller, na hinihintay lamang nila ang magiging paliwanag ng Israel sa insidente.
Ang nasabing paaralan ay pinapatakbo ng United Nations agency for Palestinian refugees kung saan nakatira ang mga displaced people sa Nuseirat refugee camp.
Pagdedepensa ng Israel na ang nasabing paaralan ay ginagawang taguan ng mga Hamas Militant kaya sila naglunsad ng airstrike.