-- Advertisements --
Naghihintay pa ang US sa kasagutan mula sa Hamas ukol sa ceasefire proposal nila at ang pagpapalaya sa mga bihag.
Sinabi ni State Department spokesperson Matthew Miller , mula ng ilatag ni US President Joe Biden ang nasabing ceasefire deal ay wala pa silang kasagutang nakukuha.
Tuloy-tuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa bansang Egypt at Qatar para hikayatin ang Israel at Hamas na tumugon sa ceasefire deal.
Magugunitang nagmatigas ang Israel na hindi nila susundin ang anumang ceasefire deal hanggang tuluyan ng masawata ang Hamas sa Gaza.