-- Advertisements --
Hinikayat ng US ang Israel na maging transparent sa naganap na airstrike nila sa isang paaralan sa central Gaza na ikinasawi ng nasa 35 katao.
Base sa mga residente doon na naghulog ng dalawang missiles ang eroplanong pandigma ng Israel sa mga classrooms na matatagpuan sa taas ng paaralan ng Nuseirat urban refugee camp.
Depensa ng Israel na ang target nila ang Hamas compound sa nasabing paaralan.
Pinabulaanan naman ito ng Hamas-run-government sa Gaza na ang paaralan ay pinagtataguan ng mga Hamas militants.
Umaasa ang US na maibibigay agad ng Israel ang mga pangalan na sinasabing nagtatago sa nasabing compound.
Magugunitang kabilang ang 14 na kabataan sa nasawi ng maglunsad ng airstrike ang Israel sa nasabing lugar.