-- Advertisements --
image 174

Hinimok ng gobyerno ng US sa Syria at sa lahat ng partido na agad na bigyan ng humanitarian access ang lahat ng nangangailangan sa buong bansa pagkatapos ng lindol noong Lunes at malalaking aftershocks sa Turkey at Syria.

Nanawagan ang Washington kay Syrian President Bashar al-Assad na bigyan ng agarang access sa humanitarian assistance ang lahat ng nangangailangan ng tulong na naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Kung matatandaan, ayon sa isang tagapagsalita ng United Nations, ang earthquake aid sa bahagi ng Syria na hawak ng pamahalaan patungo sa teritoryong kontrolado ng oposisyon ay pinigilan ng “approval issues” sa isang hardline na grupo.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng nasawi sa Syria at Turkey ay hindi bababa sa 33,000 katao dahil sa naturang 7.8 magnitude na lindol.