Inaprubahan na ng US House of Representatives ang mahigit $61-B na military assistance para sa Ukraine bunsod ng patuloy na gusot nito laban sa Russia.
Sa botohan na naganap, 210 Democrats at 101 na Republicans ang sumuporta sa Ukraine habang mayroon namang 112 na Republicans ang hindi pumabor sa panukalang batas.
Agad namang nagpaabot ng pasasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa pag-apruba ng US House of Representatives sa pinansiyal na tulong na ibibigay sa kanila.
“The vital US aid bill passed today by the House will keep the war from expanding, save thousands and thousands of lives, and help both of our nations to become stronger. Just peace and security can only be attained through strength. We hope that bills will be supported in the Senate and sent to President Biden’s desk. Thank you, America!” ani Zelensky.
Bukod dito, inaprubahan din ng US House ang $26-B na tulong para sa Israel, $8-B para sa mga kaalyansa ng US sa Indo-Pacific Region kabilang na ang Taiwan, at $9-B naman para sa humanitarian assistance sa mga sibilyan ng Haiti, Sudan, at Gaza kung saan mga sentro ng kaguluhan ngayon sa mundo.