-- Advertisements --
Inaprubahan ng US House of Representatives ang panukalang batas sa pagpondo ng Iron Dome defense system ng Israel.
Nagkakahalaga ito ng $1-billion na unang tinanggal mula sa separate bill para maiwasan ang government shutdown at pagsuspendi ng borrowing limit ng US.
Ipapasa na ito sa US Senate at hindi naman tiyak kung ito ay aaprubahan.
Magugunitang nangako si US President Joe Biden na kaniyang tutulungan ang Israel na pondohan ang kanilang Iron Dome aerial defense system na siyang humarang sa mga missile ng Hezbollah militants sa Gaza Strip.