Nagpasa na ng resolusyon ang US House of Representative na komukondina sa naging pahayag ni President Donald Trump laban sa mga apat na progressive Democratic congresswomen.
Sa botong 240 kontra 187 ay naipasa ang nasabing resolusyon.
Kasamang bumoto rin ang apat na Republicans na ka-partido ni Trump na sin Will Hurd, Brian Fitzpatrick, Fred Upton at Susan Brooks maging ang independent Justin Amash.
Ipinaggiitan ni House Speaker Nancy Pelosi na ang nasabing pahayag ni Trump ay magdudulot ng takot sa mga taong may ibang kulay.
Magugunitang binanatan ni Trump sina Representatives Alexandria Ocasio-Cortez, Ilhan Omar, Ayanna Pressley and Rashida Tlaib na tumutuligsa sa kaniyang immigration law.
Pinagsabihan ni Trump ang mga ito na umuwi na bumalik sa kanilang mga pinagmulang bansa dahil hindi sila purong Americans.