Sinang-ayonan ng mga miyembro ng United States (US) House of Representatives na isama ang isang amendment na naglalayong ihinto ang tulong ng US sa Philippine National Police (PNP) sa panukalang National Defense Authorization Act para sa Fiscal Year 2023.
Sa isang pahayag, sinabi ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na nililimitahan ng amendment ang tulong sa seguridad sa PNP “hanggang sa matugunan ang isang serye ng mga kinakailangan sa human rights.”
Dapat patunayan muna ng Secretary of State and Defense na ang gobyerno ng Pilipinas ay “naimbestigahan at matagumpay na na-prosecute ang mga miyembro ng PNP na lumabag sa karapatang pantao.
Sinabi rin ng amendment na dapat ding “itatag na epektibong protektahan ng PNP ang mga karapatan ng trade unionists, journalists, human rights defenders, critics ng gobyerno, faith and religious leaders at iba pang civil society activists.
Sa kanyang mga pahayag sa House floor, sinabi ni Pennsylvania’s Rep. Susan Wild, na siyang nag-introduce ng amendment na ang buwis ng US ay hindi dapat gamitin para magbigay ng mga armas, pagsasanay, at iba pang anyo ng tulong sa mga pwersang panseguridad ng estado ng Pilipinas sa “marahas” na mga paglabag sa karapatang pantao.