Nabulabog ang Kamara ng Amerika makarang tatlong congressman ang kinapitan ng COVID-19.
Kabilang sa nahawa ay si U.S. Rep. Brad Schneider na nagkasakit pa rin kahit meron ng bakuna.
Pero ayon kay Schneider nagpapakita lamang ito na kailangang tapusin ang dalawang doses ng vaccine na hindi tulad sa kanya ay isang dose pa lang.
Posibleng nakuha ni Schneider ang virus nang magkadikit dikit sila na mga mambabatas noong nakaraang linggo nang magtago sa kasagsagan nang pagsalakay sa US capitol ng mga supporters ni US President Donald Trump.
Marami umano sa mga mambabatas ang hindi nagsusuot ng facemask.
Sa ngayon may panukala na patawan ng multa ang mga congressman na hindi nagsusuot ng face mask sa loob ng US Capitol.
Kabila pa sa na-infect ay sina US Rep. Pramila Jayapal ng Washington state at Bonnie Watson Coleman (D) ng New Jersey, na 75-anyos na at isang lung cancer survivor.