-- Advertisements --
Naglunsad na ang US House panel ng imbestigasyon sa mga record ni dating US President Donald Trump.
Kasunod ito nang pagkakabawi ng 15 boxes ng official documents sa kanyang private Florida property na umano’y potential serious violation ng kanilang batas.
Sinabi ni House oversight panel chairwoman Carolyn Maloney na ikinabahala raw nito na hindi naibigay ang naturang mga records sa National Archives nang magtapos ang termino ni Trump noong Enero 2021.
Lumalabas din umanong tinanggal ito sa White House na paglabag sa Presidential Records Act.
Nabahala rin umano si Maloney sa mga lumabas na balitang ilang beses daw sinubukan ni Trump na sirain ang presidential records na magpapalala pa sa paglabag sa kanilang batas.