-- Advertisements --

Ikinabahala rin ng US ang pagsiklab ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Lebanon.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gagantihan nila ang Hezbollah na nasa Lebanon.

Ayon kay State Department spokesperson Matthew Miller na kapag tumindi pa ang nasabing kaguluhan ay tiyak na maraming masasawi sa pagitan ng Lebanon at Israel.

Magkakaroon ng malaking epekto sa security ng Israel at ang katahimikan sa nasabing rehiyon.

Magugunitang nagsagawa ng drone attack ang Hezbollah na ang target ay ang mga military facilities ng Israel.