-- Advertisements --

Nababahala ang US sa ulat na ginagamit umano ng Israel bilang human shields ang mga Palestinians.

Sinabi ni US State Department spokesperson Matthew Miller, na lubhang nakakabahala at dapat na itigil na ng Israel ang nasabing gawain.

Hindiumano katanggap-tanggap ang nasabing ginagawa na ito ng Israel.

Tiniyak din umano sa kanila ng Israel officials na kanilang iimbestigahan ang naturang pangyayari.