-- Advertisements --
Labis na nadismaya ang US sa naging kasagutan ng Hamas sa ceasefire proposal na isinusulong ni US President Joe Biden.
Sinabi ni State Department spokesperson Matthew Miller , na inamendahan na nila ang nasabing ceasefire deal sa kagustuhan na rin ng Hamas subalt pinapatagal pa nila bago tanggapin ito.
Pinasalamatan din ni Miller ang Qatar dahil sa naging crucial ang papel nila para mamagitan sa Israel at Hamas habang nagaganap ang kaguluhan.
Hindi naman matatawaran ang naging papel ng Qatar dahil sa wala silang kapaguaran para maabot lamang ang ceasefire.
Hindi pa nila matiyak magiging sitwasyon sa mga susunod na linggo pero nakatutok sila ngayon para maabot ang ceasefire deal.