-- Advertisements --

Ikinagalit ng US ang paghatol sa ex-US marine ng 16 na taon sa high securit prison dahil sa pag-ispiya.

Naaresto si Paul Whelan sa Moscow noong 2018 kung saan nakuha sa kaniya ang isang USB na naglalaman umano ng mga state secrets.

Tinawag naman ni Whelan na isang set up ang pagkakahuli sa kaniya at walang anumang translator na ibinigay sa kaniya noong dinidinig ang kaniyang kaso.

Sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo, na hindi nabigyan ng tamang pagtrato ang 50-anyos na si Whelan.

Magugunitang napatunayan guilty ng Moscow City Court si Whelan dahil sa pagtanggap ng mga classified information.

Binigyan naman ng korte ang abogado nito na umapela sa nasabing kaso.

Noong Disyembre 2018 ay inaresto si Whelan sa kaniyang hotel sa Moscow kung saan dadalo sana ito sa kasal at aksidenteng naibigay ng kaniyang kaibigan ang isang flashdrive na inakala nito ay mga larawan.