-- Advertisements --
Ikinagalit ng US ang ginawang pagpasok ng dalawang Russian aircraft sa Black Sea.
Ayon General Jeff Harrigian , commander ng US Air Forces sa Europe at Air Forces Africa Public Affairs, delikado at unprofessional ang ginawa ng Russia.
Tumawid kasi ang mga Russian pilots sa may 100 talampakan ng B-52 bomber nila.
Dagdag pa nito na ang ginawa ng Russia ay may malaking posibilidad na magkaroon ng banggaan sa ere.
Bagamat aniy na nag-ooperate ang Russia sa international airspace ay nilabag nila ang kaligtasan ng mga eroplanong sangkot.
Hind na nagbigay pa ng anumang reaksyon ang Russia sa nangyaring insidente.