-- Advertisements --

Inaalam na ngayon ng US ang ulat na pagbitay ng North Korea ng isa nilang mataas na opisyal.

Sinabi ni Secretary of State Mike Pompeo, may ipinarating sa kanila na impormasyon na ang North Korea special envoy sa US na si Kim Hyok Chol ay binitay.

Itinuturong dahilan ng pagbitay kay Chol ay dahil sa hindi nagkaroon ng magandang kasunduan sina US President Donald Trump at North Korea Leader Kim Jong Un sa ikalawang summit noong Pebrero sa Hanoi.

Si Chol na State Affair Commission special representative ay led negotiators kay US Special Representative sa North Korea.