-- Advertisements --
Inabisuhan na ng US ang United Nations na sila ay aalis na nan sa World Health Organization (WHO).
Ito ay matapos ang ilang beses na pagbatikos ni US President Donald Trump sa WHO dahil sa hindi agarang pagsasagawa ng hakbang bago lumala ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa US sinabihan na nila si UN Secretary-General Antonio Guterres na epektibo July 6, 2021 ay aalis na sila sa WHO.
Magugunitang unang nagbanta si Trump na kanilang tatanggalin ang ilang milyong dolyar na pondo na taunang ibinibigay ng US sa WHO dahil tila pinoprotektahan pa ang China na siyang umanong pinagmulan ng COVID-19.