Inamin ng US military na nakapatay sila ng 10 sibilyan sa drone strike sa Kabul, Afghanistan.
Ayon kay General Frank McKenzie, isang top general ng US Central Command, nagkamali sila ng sasakyan na tinamaan na ikinasawi ng 10 sibilyan at driver nito noong Agosto 29.
Isinagawa nito ang drone strike para protektahan ang mga sundalo at mga mamayan nila na nasa Kabul airport para lumikas.
Inako nito ang pangyayari at handa aniya nito ng harapin ang anumang kaparusahan.
Nauna ng sinabi ni Chairman of the Joint Chiefs Gen. Mark Milley na nakapatay sila ng ISIS-K facilitator at tatlong sibilyan noong drone strike at ito ay naging sapat lamang na operasyon suabalit lumabas sa imbestigasyon na ang mga napatay sa residential compound ay pawang mga sibilyan.