-- Advertisements --
Inakusahan ng US Navy ang Chinese military warship ng paggamit ng military grade laser sa kanila.
Ayon sa US Pacific Fleet, na ginawa ito ng China sa US Navy P-8 surveillance habang sila ay nasa Pacific Ocean.
Ang ginawang ito aniya ng China ay delikado at unprofessional.
Ang paggamit kasi ng weapons-grade laser ay maaring makasakit sa mga aircrew at mariners ganun din sa ship at aircraft systems.
Tinatawag na “dazzlers” ang military-grade lazer beams na naglalabas ng beam of light na maaaring umabot ng ilang metro.
Tiniyak ng mga US defense officials na maglalabas sila ng diplomatic protest sa ginawang ito ng China.