-- Advertisements --

Inakusahan ng US ang China na nagtatago sila ng ilang mga impomasyon tungkol sa coronavirus.

Sinabi ni US Defense Secretary Mark Esper, na kung naging transparent ng maaga at nagbibigay ng mga impormasyon ay agad na itong mahahanapan ng solusyon.

Dahil dito ay nanawagan ito sa ibang mga bansa na ituloy ang pagpressure sa China para makapagbigay ng ibang mga impormasyon.

Magugunitang nagmula ang nasabing virus sa China bago kumalat ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.