-- Advertisements --

Inakusahan ng US si Israeli Finance Minister Bezalel Smotrich dahil sa pagpapakalat ng negatibong ulat tungkol sa ceasefire talk.

Sinabi ni White House spokesperson John Kirby na hindi nila papayagan ang sinuman na sirain pa ang umuusad na ceasefire deal.

Dagdag pa nito na sinabi ni Smotrich na ang pagtugon aniya ng Israel sa ceasefire ay nangangahulugan na sila ay sumusuko na sa mga Hamas.

Magugunitang patuloy ang ginagawang pagsulong ng US, Egypt at Qatar na siyang nagsisilbing mga mediator par tuluyang mapapayag ang Hamas at Israel na magkaroon ng tigil-putukan.