Inakusahan ng US ang Russia na nakikialam sa kanilang nalalapit na halalan.
Dahil dito ay kinasuhan at pinatawan ng sanctions ng US ang ilang Russian state media executives at hinigpitan ang Kremlin-linked broadcasters.
Inanunsiyo ng Justice, State at Treasury Departments ang nasabing hakbang para kontrahin ang ginagawa ng Russia.
Ayon kay Attorney General Merrick Garland na kanilang inaakusahan ang RT o dating Russia Today na nagpopondo ng Tenessee-based company.
Sinabi naman ni White House national security spokesman John Kirby na ang layunin ng Russia ay para mabawasan ang international support na nakukuha ng Ukraine.
Magugunitang noong Hunyo ay ilang grupo ng mga hackers na iniuugnay sa gobyerno ng Iran ang matagumpay na napasok ang campaign ni dating US President Donald Trump para sa nalalapit na halalan.