Inakusahan ng Bise Presidente ng United States na si Kamala Harris ang Russia ng “crimes against humanity” sa Ukraine, sinabing ang mga puwersa ng Moscow ay nagsagawa ng malawak at sistematikong pag-atake sa populasyon ng Ukraine.
Inihayag niya ang komento sa Munich Security Conference, ilang araw bago ang anibersaryo ng Russian invasion na nagresulta ng digmaan sa Europa sa unang pagkakataon.
Binigyang diin ng Bise Presidente ng US sa isang pagtitipon kasama ang world leaders na ang US ay pormal na nagpasiya na ang Russia ay nakagawa ng mga krimen laban sa sangkatauhan “The US has formally determined that Russia has committed crimes against humanity,”
Dagdag pa niya, ang aksyon ay isang pag-atake sa common values at common humanity.
Binanggit din ni Harris ang listahan ng paratang laban sa mga tropa ng Moscow ito raw ay “gruesome acts of murder, torture, rape and deportation, execution-style killings, beatings and electrocution,”
Ayon pa kay Harris, “I say to all those who have perpetrated these crimes and to their superiors who are complicit in these crimes: you will be held to account… Justice must be served.”