Tinanggal na ng US ang ban sa pagpapadala ng mga armas sa kontrobersiyal na military unit ng Ukraine na mahalaga sa pagdepensa sa malaking port city ng Mariupol.
Sa isang statement, sinabi ng US State Department na wala itong nahanap na ebidensiya ng paglabag ng naturang military unit.
Sa panig naman ng Azov Brigade, inihayag nito na hindi lamang magpapalakas ng kanilang combat ability ang mga armas at pagsasanay mula sa Amerika kundi makakatulong din ito para sa pagpreserba ng mga buhay at kalusugan ng kanilang mga personnel.
Una na kasing pinagbawalan ng US ang Azov Brigade ng Ukraine sa paggamit ng mga armas ng Amerika dahil sa neo-Nazi ideology ng ilan sa mga founder nito.
Bagamat pinabulaanan ng kasalukuyang mga miyembro ng Azov Brigade ang naturang mga akusasyon ng extremism at anumang kaugnayan sa far-righ movements.