-- Advertisements --
Inaprubahan ng US ang pagbebenta ng armas sa Taiwan na nagkakahalaga ng $1.8 billion.
Ayon sa Pentagon, ang nasabing kasunduan ay binubuo ng tatlong wepon system kabilang ang rocket launchers, sensors at artillery.
Kasama dito ang 135 precsision-guided cruise missiles ganun din ang mobile light rocket launchers at air reconnaissance pod na maaaring maikabit sa mga fighter jets.
Ang nasabing hakbang ay isinagawa dahil sa patuloy na nagaganap na tensiyon sa pagitan ng Taiwan at China.
Inamin ng China na may epekto ang nasabing kasunduan sa kanila at tiniyak nila ang pagganti dito.