Inaprubahan ng US State Department ang posibleng pagbebenta ng drones at missiles sa Taiwan na tinatayang nagkakahalaga ng $360 million ayon sa Defense Security Cooperation Agency ng Pentagon.
Ang US nga ay nakatali sa batas para sa pagbibigay ng tulong sa Taiwan para protektahan ang kanilang teritoryo sa kabila pa ng kawalan ng pormal na diplomatikon ugnayan ng 2 panig.
Ang hakbang na ito ay sa gitna na rin ng pinaigting pa na military pressure ng China laban sa Taiwan kabilang ang paglulunsad nito ng war games sa palibot ng self-rules island noong nakalipas na buwan matapos ang inagurasyon ng bagong Presidente ng Taiwan na si Lai Ching-Te.
Samantala, sinabi naman ng Pentagon na makakatulong ang naturang arm sale para mapagibayo pa ang seguridad ng Taiwan at sa pagpapanatili ng political stability, military balance at pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.
Kabilang sa mga armas na posibleng ibibigay ng US sa Taiwan ay ang Switchblade 300 anti-personnel at anti-armor loitering munitions at kaugnay pang kagamitan na nagkakahalaga ng tinatayang $60.2 million, ang ALTIUS 600M-V drones at related equipment na nagkakahalaga ng $300 million.