Nanawagan si United States Indo-Pacific forces chief Admiral Samuel Paparo ng patuloy na pondohan ang programa ng US Agency for International Development (USAID) sa Pacific Islands —isang rehiyon kung saan patuloy na lumalakas ang impluwensiya ng China.
Sa isang pagdinig sa House Armed Services Committee sa U.S., tinanong si Paparo tungkol sa epekto ng pagbawas ng suporta para sa USAID ng administrasyong Trump at ang hindi sapat na paggamit ng Coast Guard sa Pacific Islands. Ayon kay Paparo, ”USAID aid is under review, and I’ll be advocating most strongly for that aid for all of the countries, and the Coast Guard provides a critical role in the South Pacific.”
Hinayag din nito na ang China ay aktibong nagsasamantala sa pagkakataon ng pagbaba ng tulong mula sa Estados Unidos, at inamin niyang, ”The People’s Republic of China sees these opportunities, and they seize them.”
Kung mababatid ang USAID ay nakaranas ng malalaking cutback mula sa administrasyong Trump, na nagresulta sa pagkakaltas ng mga programang makikinabang sana ang milyun-milyong tao sa buong mundo.
Samantala, ipinaabot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas noong Pebrero na ipinagkaloob umano ng Estados Unidos ang isang waiver para sa bahagi ng kanilang foreign military financing sa Pilipinas, sa kabila ng moratorium sa iba pang foreign aid. Ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, ang dalawang bansa ay patuloy na magsusulong ng kanilang alyansang pang-depensa at kooperasyon.