-- Advertisements --
Nagpahayag si Dr. Anthony Fauci ng tuluyang pagreretiro sa serbisyo.
Ayon sa infectious disease expert na tatapusin na lamang nito ang termino ni President Joe Biden at tuluyang magretiro.
Si Fauci ay siyang director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases ng ilang dekada.
Siya rin ang kinuha ni Biden bilang chief medical adviser.
Sinabi pa ni Fauci na matagal na niyang plano ang pagreretiro at posible sa Enero 2025 kapag matapos na ang termino ni Biden ito matutuloy.