-- Advertisements --

Inialok ng Amerika na maaaring gamitin ang $100 million foreign military financing (FMF) para sa pagbili ng 12 upgraded heavy lift Sikorsky helicopters kapalit ng terminated deal sa pagbili ng 16 na Russian Mi-17 military chopper.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, nasa Department of Defense (DND) na ang pagpapasya kung tatanggapin ang proposal ng Amerika o gagamitin ang military aid para sa iba pang assets para sa military modernization ng Pilipinas.

Saad pa ni Romualdez na ibang uri ng helicopter ang upgraded Sikorsky choppers na makakatulong ng malaki ito sa capability para sa operasyon ng military troops ng bansa at maging sa disaster operations.

Magugunita na una ng lumagda ang dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa Russian helicopters na nagkakahalaga ng $216 million subalit hindi na ito itnuloy kasunod ng invasion ng Russia sa Ukraine at pagpataw ng malawakang sanctions ng Western sa Moscow.