-- Advertisements --

Inihinto ng Amerika ang halos lahat ng foreign aid nito ayon sa internal memo na ipinadala sa mga opisyal at US embassies sa iba’t ibang mga bansa.

Ito ay kasunod ng inisyung executive order ni US President Donald Trump noong Lunes para sa 90 araw na paghinto ng foreign development assistance habang nakabinbin pa ang pag-aaral sa pagiging episyente at consistency nito sa foreign policy ni Trump.

Ang Amerika nga ang itinuturing na pinakamalaking international aid donor sa buong mundo na gumugol ng $68 billion noong 2023.

Kayat inaasahan na maapektuhan ng pagpapatigil ng foreign aid mula sa US ang lahat mula sa development assistance hanggang sa military aid.

Bagamat may exceptions dito kabilang ang emergency food aid at military funding para sa Israel at Egypt.

Nakasaad din sa nag-leak na memo na walang bagong pondo na ilalaan para sa mga bagong awards o extension ng existing awards hanggang sa ganap na ma-review at maaprubahan na ang bawat panukalang bagong award o extension.

Ipinag-utos din sa naturang executive order ni Trump ang malawakang pagsisiyasat sa lahat ng foreign aid na dapat makumpleto sa loob ng 85 araw para matiyak na ang naturang assistance ay alinsunod sa mga adhikain ng foreign policy ni Trump.

Nauna naman ng sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio na mangyayari lamang ang lahat ng US spending sa ibang bansa kapag nagawa ng maging mas matatag, mas ligtas at mas maunlad na ang Amerika.