-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng US ang posibleng kaso ng Havana syndrome sa Colombia.
Karamihang mga dinapuan dito ay ang mga staff ng US embassy sa Bogota kung saan nakakaranas ang mga ito ng misteryosong sakit na nagdudulot pananakit sa pandinig sa tenga, pagkapagod at pagkahilo.
Nangyarin ang insidente ilang araw bago ang pagbisita sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken.
Unang naiulat ang insidente sa Cuba noong 2016 at mula noon ay halos lahat ng mga US diplomats sa buong mundo ay nakakaranas ng nasabing syndrome.
Hindi pa malaman ng US ang pinagmulan nito at hinala nila ay isa itong uri ng armas.
Tiniyak din ni Colombian President Ivan Duque na kanilang iniimbestigahan din ang insidente.