-- Advertisements --

Inilunsad na ng US military ang isang bagong submarine na may nuclear weapon bilang pangontra sa banta ng Russia.

Sinabi ni undersecretary of defense for policy John Rood, na ang W76-2 low-yield submarine ay may kargang ballistic missile warhead.

Isa aniya itong bagong bersiyon ng W-76 warhead na ginagamit sa pag-armas sa mga submarine na Trident II.

Ginawa ang nasabing unang bagong US nuclear weapon ng US noong nakaraang taon.

Nauna ng ipinagmalaki ng Russia ang pagkakaroon nila ng bagong nuclear missile na nakakarga sa kanilang submarines.