-- Advertisements --

Ibinunyag ng US Air Force na pinabagsak ng Russian fighter jets ang kanilang drone.

Ayon sa US Air Force na sabay na lumipad ang kanilang MQ-9 Reaper Drone at dalawang SU-27 Flanker jets ng Russia sa international waters ng Black Sea.

Subalit isa sa fighter jet ng Russia ang biglang lumipat sa harapan ng kanilang unmanned drone.

Dahil sa insidente ay nasira ang isang propeller ng kanilang drone kaya napilitan ang mga ito na pabalikin sa kanilang basse ito.

Mula pa kasi noong nagsimula ang pananakop ng Russia sa Ukraine ay kapwa nagsasagawa ang US at Russia ng pag-operate sa Black Sea at ito ang unang insidenteng naitala.