-- Advertisements --

Ibinunyag ng US National Intelligence na nangialam ang Russia sa katatapos na 2020 US Elections.

Sa inilabas na 15-pahina na inilabas ng Office of the Director of National Intelligence na may mga nakuha silang ebidensiya na mismong si Russian President Vladimir Putin ang nag-supervise para sa dayaan noong November 3 elections.

Mabebenipisyuhan sa nasabing pandaraya si dating US President Donald Trump.

Lumabas din sa ulat na may may hakbang din ang Cuba, Venezuela at Lebanese militant group na Hezbollah na impluwensiyahan ang halalan ng US.

Nais ni Putin na manalo si Trump sa halalan kahit na mayroong mga anti-Russian policies ang US.