Inaasahang magpapatuloy pa rin ang pagpasok ng mga investment sa Pilipinas mula sa Amerika sinuman ang manalong bagong Pangulo sa 2024 US elections ayon sa Center for Strategic and International Studies (CSIS).
Ayon kay CSIS Southeast Asia Program Senior Fellow at Director Gregory Poling, bagamat nakadepende ang Republican at Democratic parties sa ‘more protectionist policies’, patuloy pa rin ang pagbubuhos ng pribadong US companies ng pera sa Southeast Asia kasama na ang Pilipinas.
Aniya, pagdating sa pagsusulong ng mga alyansa at pagtiyak na ang Pilipinas ay parte ng Indo Pacific Economic Framework at mas marami pang investment, mas mainam aniya si VP Kamala Harris. Sa panig naman ni Trump, hindi ito masyadong listo sa pakikipag-alyansa subalit pagdating sa pagbuo ng bilateral relationship, posibleng may tiyansa dito ang PH.
Samantala, sinabi naman ng Center for Strategic and International Studies na mahalagang maipagpatuloy ang person-to person exchanges at investment roadshows para mapalawig pa ang PH ang US investment opportunities pagkatapos ng US elections.
Inirekomenda din nito ang pagpapahusay pa ng ease of doing business at mas maraming economic reforms para makaengganyo pa ng mas maraming investments.