Aabot sa 18 aircarfts ang ipapadala ng America sa Afghanistan.
Ayon sa Pentagon layunin ng commercial planes ay upang tulungan na e-evacuate ang mga mamamayan ng nasabing bansa.
Nananatiling libu-libong katao ang nasa labas ng Kabul airport at umaasa na makalabas sa Afghanistan.
Sinabi ni US President Joe Biden, nasa 28,000 Americans na ang na-evacuate sa Afghanistan.
Ang UK naman ay nakapag-evacuate ng 5,725 katao simula Agosto 13 ayon sa Ministry of Defence (MoD).
Nag-deploy din sila ng mahigit 1,000 Armed Forces personnel sa Kabul.
Napag-alaman na umakyat na sa halos 20 ang namatay sa stampede sa Kabul airport.
Nauna nang ini-activate ng US Department of Defense ang Civil Reserve Air Fleet (CRAF) upang magsagawa ng evacuation. (with reports from Bombo Jane Buna)